Fiat Lux Academe

by - 1:56 AM

Credits: John Ismael Medina

Fiat Lux "Let there be light" 4 years ko tong naging parang bahay. Hinding hindi ko malilimutan lahat ng experiences ko dito. Sobrang dami kong alaala dito. Dito unang gumamit ng Blue Ink Pen *required* dito unang nalagay sa tarpaulin ng school , unang ginamit ung photograph ko para ilagay sa tarp ng school , unang photoshoot , unang contest na ako ang pinakabata , unang best in talent , unang experiences sa buhay ko , unang nag karon ng teachers na para ko ng mga magulang. Dito din ako unang nabully. Well , sa maniwala kayo o sa hindi. Lapitin ako ng bully :( ewan ko kung bakit.. Dito ko naranasan mag kasakit , dito ko din naranasan malagay ung name ko  sa cubicle pero lahat ng yun ang pinasasalamatan ko. Dahil lahat din ng gumawa sakin nun ay naging kaibigan ko. At dahil dun natuto ako sa mga pag kakamali ko.

Syempre dito ko din nakilala ang Best Friends ko. *madami sila e* Si Mudz and Budge. 1st year palang kami bestfriend ko na yang dalawa. Pero may hindi kami pag kakaintindihan ni mudz nung 3rdyear kaya nag karon ng lamat ung friendship namin. Pero everything is okay na :) At dito ko din nakilala ang boybest friends ko at the same time.  Dito ko din naranasan mag karon ng 1st Love. 2nd year lang ako nun at sya graduating pero hindi pa talaga siguro ako handa sa mga panahon na un sa love love na yan pero un ang pinaka unang pag iyak ko dahil sa lalaki. Syempre dito ko din naranasan mag karon ng boyfriend and he's my bestfriend. Actually , pag nag kikita lang kami mag bestfriend (close sya sa lahat ng girls dati e tipong inaakbayan nya at hinararot. *Di  naman pogi HAHA JK*) naging close lang talaga kami nung *nagpaparamdam na sya na may gusto sya sakin* .........

Dito ko din naranasan maging isang student leader. ( President of KALIPI and maging Student Council ) Isa lang ang masasabi ko sa lahat ng naranasan ko bilang student leader. Mahirap pero masaya lalo na pag nakakatulong ka at nagagawa mo ng tama ang trabaho mo. 

Hinding hindi ko malilimutan dito ung mga naging class mates , friends and teachers ko. Mamimiss ko yung pag tawag nila sakin ng "baba at ynah" (close friends ko lang natawag sakin nun) Sobrang mamimiss ko lahat ng teachers ko. Lahat ng mga characteristics na meron sila lahat ng mahihirap na seatworks at exams. Mamimiss ko silang lahat :( 

Grabe! Hinding hindi ko kakalimutan ang school na to. Dito ako nadapa at dito din akong natutong tumayo at lumaban. Maraming maraming salamat sa lahat ng naging parte ng High school ko :) Hinding hindi ko kayo malilimutan. Nakatatak kayo sa puso't isip ko. ☺️

You May Also Like

0 comments

IG: @mshainamarie